Menu

Philippine Standard Time:

Lita A. Bacalla, PhD.

Si Lita A. Bacalla, PhD. , ay nagtapos ng Doktor sa Pilosopiya sa Filipino sa Pamantasang Normal ng Pilipinas (PNU). Natamo rin niya ang Doktor sa Sining ng Panitikan at Komunikasyon sa Pamantasan ng Cebu Normal (CNU). Sa nasabing pamantasan din niya natapos ang Master sa Sining sa Filipino ( Panitikan). Kasalukuyang kumukuha sa Unibersidad ng Pilipinas -Diliman ng Doctor of Philosophy in Translaation (Salin). 

Kinatawan sa Visayas ng mga Direktor sa Sentro ng Wika at Kultura (Komisyon sa Wikang Filipino). RQUAT member ng CHED Region 7. Siya rin ay pangalawang pangulo ng Akademiyang Binisaya at SAGIP-WIKA at kasalukuyang direktor ng Sentro ng Wika, Kultura, at Pagsasalin sa Cebu Normal University. Bilang karagdagan, isa siya sa komiteng tagagpagganap ng Pambansang Komite ng Wika at Pagsasalin sa National Commission of Culture and Arts (NCCA). Ginawaran din siya ng parangal bilang pinakamahusay na tesis sa panahong siya ay nag-aaral ng graduwado at napabilang din siya sa finalist ng pinakamahusay sa disertasyon ng Pambansang Samahan ng Lingguwistika at Literatura sa Filipino (PSLLF). 

Nagkamit din bilang Ulirang Guro 2022 ng Komisyon sa Wikang Filipino, Gawad Sulo ng Philippine Normal University (PNU), Outstanding Researcher sa Filipino at Luminary Educators sa Lumina foundations. 

Siya ay naging tagasalin, editor, manunulat, mananaliksik, rebyuwer, tagapayo ng tesis at dessertasyon, mentor sa mentoring program sa College Teacher Educationp. Kasalukuyan siyang full-time na propesor (CNU) bilang Professor 6 at part-time na propesor sa UP-Cebu sa antas graduwado.

X
Cebu Normal University
Privacy Overview

This website uses cookies so that we can provide you with the best user experience possible. Cookie information is stored in your browser and performs functions such as recognising you when you return to our website and helping our team to understand which sections of the website you find most interesting and useful.