
Matagumpay na isinagawa ng Kagawaran ng Filipino ng Kolehiyo ng Sining ang Pagsasanay-Palihan sa Pagbuo ng Teorya sa Filipino noong Setyembre 21–23, 2026, na may temang “Mula sa Kaisipan Tungo sa Teorya: Pagbuo ng Kaalamang Filipino.”
Layunin ng pagsasanay-palihan na mapalalim ang pag-unawa sa proseso ng pagbuo, paglinang, at teoryasisasyon ng mga konsepto at kaisipang nagmumula sa karanasan, wika, kultura, at kontekstong Filipino.
Naging tampok sa tatlong araw na gawain ang mga talakayan at pagsasanay na pinangunahan nina Dr. Feorillo Petronillo Demetrio III at Dr. Rhoderick Nuncio, kapwa propesor ng De La Salle University–Manila.
Ibinahagi ng mga dalubhasa ang kanilang kaalaman at karanasan hinggil sa pagbuo ng teorya, pagdalumat, at paglikha ng kaalamang nakaugat sa kontekstong Filipino.

Naging mahalagang bahagi rin ng pagsasanay ang palitan ng mga ideya at karanasan ng mga kalahok, na nagbigay-daan sa mas malalim na pagtalakay sa mga paraan ng paglinang ng mga konsepto at teoryang tumutugon sa realidad at karanasan ng mga Pilipino.
Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang Kagawaran ng Filipino kina Dr. Daisy Palompon, Vice President for Academic Affairs; Dr. Angeline Pogoy, Vice President for Research and Extension; at Dr. Reynaldo Inocian, Dean ng Kolehiyo ng Sining, para sa kanilang mahalagang suporta at paggabay na naging daan sa matagumpay na pagsasagawa ng gawain.

Naging mahalagang hakbang ang pagsasanay-palihan sa higit pang pagpapalakas ng pananaliksik, paglikha ng bagong kaalaman, at paglinang ng mga teoryang nakaugat sa wika, kultura, karanasan, at pananaw ng mga Pilipino.
Mula sa kaisipan, tungo sa pagdalumat; mula sa pagdalumat, tungo sa teorya; at mula sa teorya, tungo sa pagbuo ng kaalamang Filipino.
#AlwaysCrimsonAndGold2026
#SDG4QualityEducation
