Ang Pamantasang Normal ng Cebu (CNU) ay lumagda ng kasunduan sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) upang magtatag ng isang Sentro ng Pagsasalin sa Pamantasan noong Oktubre 7, 2024 sa San Miguel, Metro Manila.
Ang Sentro ng Pagsasalin ang magsisilbing tanggapan upang mapalawak ang aktibidad sa pagsasalin, pananaliksik, at pagsasanay sa wikang Filipino at iba pang mga wika sa Pilipinas sa susunod na limang taon.
Dumalo sa paglagda ng kasunduan ang KWF Chairperson Arthur Casanova, Pangulo ng Pamantasan na si Daniel Ariaso Sr., KWF Commissioner Carmelita Abdurahman, Direktor sa Sentro ng Wika at Kultura Lita Bacalla, at KWF Puno ng Sangay ng Salin John Enrico Torralba.
Â